16/04/2026
ANNOUNCEMENT: Ukol sa Biyani Festival 2026
Mabiyayang Araw!
Ipinapaalam po ng Barangay Tourism Council na ang pagdiriwang ng Biyani Festival 2026 ay opisyal nang KINANSELA.
Ang desisyong ito ay bunsod ng nararanasang krisis sa langis na dulot ng patuloy na giyera sa ibang bansa, na nagresulta sa hindi inaasahang pagtaas ng mga bilihin at gastusin. Bilang pagtugon dito, ang aming barangay ay mahigpit na tumatalima sa Memorandum Circular No. 114, s. 2026 mula sa Tanggapan ng Pangulo, na nag-uutos ng masusing pagtitipid sa pondo ng gobyerno.
Bagamat ang aming Konseho ay hindi gumagamit ng pondo ng Barangay sa pagdiriwang ng Biyani Festival, ang Tourism Council ng aming barangay ay may mga katuwang na mga SPONSORS sa taonang pagdiriwang nito, ngunit bilang konsiderasyon sa financial situations na kinahaharap ng lahat, napagkasunduan na kanselahin ang nasabaing event.
Ang hakbang na ito ay pinagtibay sa pamamagitan ng pagkakaisa at desisyon ng ating Sangguniang Barangay at Barangay Tourism Council.
Bagaman mahalaga ang ating tradisyon, naniniwala po kami na ang tunay na diwa ng "Biyani" ay ang pagmamalasakit at pagbibiyanihan sa oras ng hamon.
Maraming salamat po sa inyong malawak na pag-unawa. Manatili po tayong ligtas at nagkakaisa.