20/08/2025
🛄 Mga Bawal sa Check-in at Hand Carry sa Airport!
Para iwas delay, multa, o kumpiskahan ng gamit.
✅ BAWAL SA HAND CARRY (CABIN BAG)
(Karaniwan ay 7 kg lang ang hand carry)
❌ Matutulis na bagay
• Balisong, kutsilyo, gunting
• Screwdriver, blade, tools
(Kahit maliit, bawal talaga.)
❌ Liquid na lagpas 100 ml
• Lotion, shampoo, toothpaste, perfume
• Tubig, softdrinks, gatas
(Dapat nasa 100 ml per container at kasya sa 1-liter ziplock.)
❌ Lighter at posporo
• Bawal ang torch lighter
• Iisa lang ang lighter na puwedeng dalhin at dapat nasa bulsa, hindi sa bag
❌ Power bank na lagpas 27,000 mAh (100 Wh)
• Dapat nasa hand carry lang, bawal sa check-in
❌ Explosives, fireworks, toy guns, stun gun
• Kahit laruan o prop, bawal sa cabin
🚫 BAWAL SA CHECK-IN BAGGAGE
❌ Power bank, lithium batteries
• Dapat nasa hand carry lang, bawal sa check-in kahit naka-off
❌ Flammable liquids o chemicals
• Alcohol (malalaking bote), paint, thinner, fuel
• V**e juice na sobra sa limit
❌ Explosives, fireworks, dynamite, atbp.
❌ Live animals
• Maliban kung may permit/pet cargo
❌ Compressed gas tanks / spray paint
❌ Perishable food na madaling masira o may matapang na amoy
• Bagoong, durian, hilaw na isda (kung walang proper packaging)
🔍 Puwedeng Dalhin Pero May Limitasyon
✔️ V**e o E-cigarette
• Dapat nasa hand carry
• Max 2 devices at ilagay sa case
• Max 2 bottles ng juice (100 ml bawat isa)
✔️ Medicines
• Dalhin ang prescription kung may iniinom na gamot
• Ilagay sa hand carry at magdala ng doctor’s note kung injectable (hal. insulin)
✔️ Food Pasalubong (baked goods, chocolates, dried fish)
• Puwede sa check-in kung sealed at maayos ang packaging
• Mas maganda sa check-in para hindi masita sa inspection
📌 Tip: Huwag Magdala Ng…
• Mga sobra-sobrang canned goods (lalo kung 6+ cans)
• Alcoholic drinks na sobra sa limit (karaniwan 2 bottles lang ang allowed)
• Tubig sa hand carry – bumili na lang after immigration