28/08/2025
Naniniwala ako na ang lahat ng tao ay may kanya-kanyang husay, talento, kabutihan, puso, at talino.
Kahit sino yatang tao ang makita ko o kahit hindi ko makita naniniwala akong lahat ng katangiang nabanggit ko ay meron sila.
Yung husay, talento at talino madali para satin na malaman ito. Mataas na marka sa eskwelahan, galing sa paliksaan at pagkakaroon ng karangalan.
Yung kabutihan at puso, ibang usapan naman yan, walang award diyan — hindi ka magkakaron ng plaque diyan, baka nga tawanan ka lang ng mundo kung sasabihin mong may award ka kasi mabuti kang tao.
Ito ang realidad.
Ang nararamdamang kabutihan ng ibang tao para sayo ay pwedeng maglaho ano mang oras. Kumbaga sa pagkain may expiration date, mas mapapabilis lang kapag hindi mo nabigay yun pabor na gusto nila.
Ang sarap maging matalino, mahusay at talentado ‘no?
Lahat nang papuri at parangal mas kaaya-aya. Mas may isi akses sa sakses.
Pangit maging mabuti at gumamit ng puso no? Pang weak. Sobrang Fragile. Kawawa. Aapihin.
Alam mo, hindi mo kailangan malaman kung matalino ka ba o mabuti ka lang. Kasi siguradong lahat ng katangian na yan meron ka nyan. Kumbaga sa kape 3in1, ititimpla mo nalang. Yung iba nga lang mas marami yung asukal, mas marami yung kape o mas marami yung creamer — hindi ito tungkol sa kape.
at naniniwala akong walang mali sa tao, kakaiba man pakinggan na sabihin kong walang mali sa tao kung lahat naman tayo ay nagkakamali sa buhay o bilang tao.
Pero walang mali sayo, gamitin mo lang lahat ng katangian na nabanggit ko, pero wag mong ihuli ang Puso.