01/02/2026
📍𝙋𝙖𝙣𝙜𝙡𝙞𝙢𝙖𝙣𝙜 𝘿𝙚𝙨𝙩𝙞𝙣𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣
Ang 𝘉𝘪𝘸𝘢𝘴 ay isa sa mga barangay ng Tanza. Matatagpuan dito ang mga tanyag, makasaysayang lugar at tinuturing rin na 𝘴𝘮𝘢𝘭𝘭-𝘤𝘰𝘮𝘮𝘦𝘳𝘤𝘪𝘢𝘭 𝘢𝘳𝘦𝘢. 💵
👥 𝘼𝙮𝙤𝙣 𝙣𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙋𝙝𝙞𝙡𝘼𝙩𝙡𝙖𝙨, ang populasyon ng Barangay Biwas ay lumago mula 4,403 noong 1990 hanggang 6,989 noong 2020.
🏠 𝙏𝙖𝙝𝙖𝙣𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙨𝙞𝙠𝙖𝙩 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙖𝙞𝙣 𝙖𝙩 𝙡𝙪𝙜𝙖𝙧:
𝙆𝙖𝙞𝙗𝙞𝙜𝙖𝙣 𝘽𝙖𝙠𝙚𝙧𝙮 🥖
Itinatag noong 1920, nagpasimula ng tanyag na "𝘚𝘰𝘱𝘢𝘴 𝘥𝘦 𝘛𝘢𝘯𝘻𝘢" gamit ang tradisyunal na 𝘸𝘰𝘰𝘥-𝘧𝘪𝘳𝘦𝘥 𝘱𝘶𝘨𝘰𝘯.
𝙋𝙖𝙣𝙘𝙞𝙩 𝙇𝙪𝙜𝙡𝙤𝙜 🍜
Isang tanyag at tradisyunal na bersyon ng pancit na kilala sa 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘯𝘰𝘰𝘥𝘭𝘦𝘴, masaganang sabaw na gawa sa 𝘩𝘪𝘱𝘰𝘯, at iba't-ibang toppings gaya ng 𝘵𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢, 𝘤𝘩𝘪𝘤𝘩𝘢𝘳𝘰𝘯, at 𝘪𝘵𝘭𝘰𝘨.
𝙉𝙖𝙣𝙖 𝙃𝙚𝙡𝙚𝙣𝙜'𝙨 𝙋𝙖𝙣𝙘𝙞𝙩 𝙀𝙨𝙩𝙖𝙘𝙞𝙤𝙣 🍲
Nagsimula noong 1934 nang gumamit si Nana Heleng ng 𝘵𝘰𝘨𝘶𝘦 (𝘮𝘶𝘯𝘨 𝘣𝘦𝘢𝘯 𝘴𝘱𝘳𝘰𝘶𝘵𝘴) bilang alternatibo sa pansit dahil sa kakapusan. Ang kakaibang putaheng ito ay ibinebenta malapit sa lumang estasyon ng tren.
𝘾𝙖𝙨𝙖 𝙃𝙖𝙘𝙞𝙚𝙣𝙙𝙖 𝙙𝙚 𝙏𝙖𝙣𝙯𝙖 🏰
Isang makasaysayang bahay noong panahon ng Espanyol, dating pag-aari ng mga 𝘋𝘰𝘮𝘪𝘯𝘪𝘬𝘢𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘗𝘳𝘢𝘺𝘭𝘦. Ipinagkaloob kay 𝘊𝘢𝘱𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘔𝘶𝘯𝘪𝘤𝘪𝘱𝘢𝘭 𝘍𝘳𝘢𝘯𝘤𝘪𝘴𝘤𝘰 𝘗. 𝘝𝘢𝘭𝘦𝘯𝘤𝘪𝘢 bilang gantimpala at kasalukuyang pinangangalagaan ng kanyang pamilya.
🏫 𝙁𝙚𝙡𝙞𝙥𝙚 𝙂. 𝘾𝙖𝙡𝙙𝙚𝙧𝙤𝙣 𝙀𝙡𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩𝙖𝙧𝙮 𝙎𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡
Isang paaralang elementarya at tanda bilang pag-alala sa "𝘍𝘢𝘵𝘩𝘦𝘳 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘔𝘢𝘭𝘰𝘭𝘰𝘴 𝘊𝘰𝘯𝘴𝘵𝘪𝘵𝘶𝘵𝘪𝘰𝘯," na ipinanganak sa bayan ng Tanza.
- 𝘋𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘉𝘪𝘸𝘢𝘴, 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘳𝘢𝘥𝘪𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘵 𝘬𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘴𝘢𝘳𝘢𝘱 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘪𝘯 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘵𝘰𝘬 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘛𝘢𝘯𝘻𝘦ñ𝘰 𝘢𝘵 𝘣𝘪𝘴𝘪𝘵𝘢. 🍽
📷: Paras, Aldrin