Tarlac Today

Call Directions Contact the business

Tarlac Today Delivering fresh news and relevant updates, Tarlac Today brings the voice of the community straight to its people.

T2B3 nangunguna sa dami at halaga ng DPWH contracts sa TarlacHabang patuloy na humaharap ang Tarlac sa problema ng pagba...
06/10/2026

T2B3 nangunguna sa dami at halaga ng DPWH contracts sa Tarlac

Habang patuloy na humaharap ang Tarlac sa problema ng pagbaha, isang tanong ang lalong nagiging mahalagang sagutin: sino-sino nga ba ang mga contractor na nakakuha ng pinakamaraming proyekto at pinakamalalaking kontrata ng DPWH sa lalawigan?

Batay sa pagsusuri sa DPWH List of Projects 2023–2025, T2B3 Builders ang nangunguna sa pinagsamang records, na may 100 kontrata at kabuuang ₱8.016 bilyon na original contract cost.

Kasunod nito ang Royal Crown Monarch Construction & Supplies Corp. na may 62 kontrata at humigit-kumulang ₱5.251 bilyon, at R.R. Ricafort Construction and Supplies na may 58 kontrata at ₱3.303 bilyon.

T2B3, malaki ang lamang. Sa kabuuang contract value:

T2B3 Builders — ₱8.016B
Royal Crown Monarch — ₱5.251B
R.R. Ricafort — ₱3.303B

Malaki rin ang naging bahagi ng flood-control infrastructure sa mga kontrata ng T2B3.

Apat sa limang pinakamalalaking T2B3 projects sa 2023–2025 records ay flood-control structures sa Tarlac River, na pawang nasa 2024 records. Kabilang dito ang apat na proyektong may pinagsamang halaga na humigit-kumulang ₱562.24 milyon.

Armenia-Balanti d**e, isa rin sa dapat tingnan

Isa pang proyektong naging bahagi ng usapin ay ang road slope protection d**e sa Armenia (Balanti), Tarlac City, na iniulat na may halagang mahigit ₱70 milyon at isinagawa ng T2B3 Builders and Supplies Corp.

Ang proyekto ay naging sentro ng mga ulat matapos gumuho ang bahagi ng naturang istruktura. Sa hiwalay na mga ulat, ang insidente ay iniuugnay sa matinding pag-ulan at malakas na agos ng tubig.

Samantala, may DPWH records ding nagpapakitang T2B3 ang bidder para sa Construction of Tarlac River Left D**e Bypass/Diversion Road including Slope Protection.

Pero saan nanggaling ang mga proyektong ito? Dito pumapasok ang mas malaking usapin.

Si Christian Yap ay kinatawan ng Tarlac 2nd District sa House of Representatives mula 2022 hanggang 2025 bago naging gobernador ng Tarlac na nakakuha ng higit P27 Billion pondo para sa flood control. Sa mga taong sakop ng kanyang termino bilang kongresista, bilyun-bilyong pisong infrastructure projects ang nakalista sa DPWH records para sa Tarlac.

At hindi lamang T2B3 ang nakikinabang sa malaking infrastructure spending. Sa isang naunang pagsusuri sa Tarlac contractors, ilang kumpanya ang nakakuha ng daan-daang milyong pisong flood-control at slope-protection projects.

Mas mahalagang tanong: epektibo ba ang ginastos?

Habang bilyun-bilyon ang inilalabas para sa flood mitigation, nananatili ang problema sa baha at lumilitaw ang mga insidente ng pagkasira ng flood-control structures.

Isang simpleng anunsyo ng simbahan tungkol sa nalalapit na kasal ang naging dahilan para kiligin ang mga netizen.Ibinaha...
06/10/2026

Isang simpleng anunsyo ng simbahan tungkol sa nalalapit na kasal ang naging dahilan para kiligin ang mga netizen.

Ibinahagi ng Divina Pastora page ang marriage banns nina Charlito C. Canitan at Merlita B. Yumul, kapwa 65-anyos, na nakatakdang ikasal sa October 24, 2026 sa Sacred Heart of Jesus Chapel sa Barangay Castillo, Concepcion, Tarlac.

Magkatabi sa post ang kanilang mga larawan kasama ang karaniwang paalala ng simbahan na ipagbigay-alam sa parish office kung may nalalamang lehitimong hadlang sa kanilang pagpapakasal.

Ngunit sa halip na pagtuunan ng pansin ang anunsyo, marami sa mga netizen ang agad na kinilig at natuwa para sa dalawa.

“Invested na po kami, parang maganda po love story nila,” komento ng isang netizen.

“Wow, hindi pa huli ang lahat!” saad naman ng isa.

May ilan ding nagbahagi ng sariling pananaw, kabilang ang isang 41-anyos na commenter na nagsabing hindi pa siya nakakapag-asawa at nakapagbigay sa kanya ng pag-asa ang anunsyo.

Dahil dito, nagsimula ring magtanong ang mga netizen tungkol sa kuwento nina Charlito at Merlita—kung matagal na ba nilang magkakilala, naging magkaklase, o matagal nang magkasintahan.

Gayunman, walang kumpirmasyon sa mga espekulasyong ito. Hindi rin nakasaad sa marriage banns kung kailan sila nagkakilala, gaano na katagal ang kanilang relasyon, o kung ano ang kanilang naging kuwento bago sila nagdesisyong magpakasal.

Ang marriage banns ay bahagi ng tradisyon ng Simbahang Katolika kung saan ipinapaalam sa mga parishioner ang nalalapit na kasal upang mabigyan ng pagkakataon ang sinumang may alam na lehitimong impediment na ipagbigay-alam ito sa simbahan.

Sa social media, nauwi naman ang simpleng parish announcement sa isang mensahe ng pag-asa at kilig.

Sa panahong madalas mapuno ang social media ng kuwento tungkol sa hiwalayan at bigong relasyon, naging paalala nina Charlito at Merlita na walang takdang edad ang paghahanap at pagpili sa pag-ibig.

Credite: radar.ph

Imbes na makatanggap ng regalo, si Tatay Ruben ang namigay ng taho sa mga dumaraan bilang bahagi ng kanyang pagdiriwang ...
05/10/2026

Imbes na makatanggap ng regalo, si Tatay Ruben ang namigay ng taho sa mga dumaraan bilang bahagi ng kanyang pagdiriwang ng kaarawan.

Ayon sa kuwento, apat na taon na niyang ginagawa ang simpleng tradisyong ito.

Nang tanungin kung bakit siya namimigay ng libreng taho tuwing birthday niya, simple lang ang sagot ni Tatay Ruben:

“Kahit mahirap lang ako, ang importante napapasaya natin ang mga tao kahit sa simpleng bagay.”

Isang simpleng taho, pero malaking paalala na ang tunay na saya ng pagdiriwang ay hindi lang sa pagtanggap ng biyaya, kundi sa pagbabahagi nito sa iba.

Nagbabayad ka na ng buwis. Ngayon, pati ang natitira mong ₱5,000, puwede mo pang ipahiram sa gobyerno.Sa pamamagitan ng ...
05/10/2026

Nagbabayad ka na ng buwis. Ngayon, pati ang natitira mong ₱5,000, puwede mo pang ipahiram sa gobyerno.

Sa pamamagitan ng Retail Treasury Bond (RTB), maaaring ipahiram ng mga investor ang kanilang pera sa pamahalaan kapalit ng interest na 6.875% kada taon bago ang buwis.

May 2.5-year maturity ang bond, kung saan ibabalik ng gobyerno ang principal sa takdang panahon.

Sa madaling salita: nagpapautang ka sa gobyerno, kikita ka ng interest, at ibabalik sa iyo ang puhunan sa maturity.

Pero tandaan: investment ito, hindi simpleng savings deposit, kaya may mga kondisyon at buwis na dapat ding tingnan bago bumili.

Patuloy ang construction works sa Agana Bridge, habang 24/7 namang mino-monitor ng DPWH Tarlac 1st District Engineering ...
05/10/2026

Patuloy ang construction works sa Agana Bridge, habang 24/7 namang mino-monitor ng DPWH Tarlac 1st District Engineering Office ang sitwasyon sa lugar.

Ayon sa update, light vehicles pa rin ang pinapayagang dumaan sa tulay, alinsunod sa ipinatutupad na weight limit at safety measures.

Paalala sa mga motorista na sumunod sa traffic rules at mga panuntunan sa lugar para sa ligtas at maayos na daloy ng trapiko.

Arestado ang walong lalaki na umano’y sangkot sa ilegal na pagbebenta at paglilipat ng produktong petrolyo sa Barangay S...
05/10/2026

Arestado ang walong lalaki na umano’y sangkot sa ilegal na pagbebenta at paglilipat ng produktong petrolyo sa Barangay Santa Catalina, Victoria, Tarlac.

Unang naaresto ang dalawang lalaki dahil sa umano’y pagbebenta at pamamahagi ng fuel sa mga motorista nang walang kinakailangang permit, clearance at certificate of compliance.

Sa operasyon, nadiskubre rin ng pulisya ang paglilipat umano ng petrolyo mula sa isang tanker truck patungo sa isa pa. Tinatayang nasa 80,000 litro ang pinagsamang kapasidad ng dalawang tanker.

Anim pang lalaki na umano’y sangkot sa paglilipat ng fuel ang isinunod na inaresto. Isinailalim naman sa kustodiya ng pulisya ang dalawang tanker at mga dispenser.

Nakumpiska rin ang mga sales invoice at perang umano’y mula sa pagbebenta ng petrolyo para sa dokumentasyon at karagdagang imbestigasyon.

Ayon sa pulisya, kinakailangan ang certificate of compliance, valid fuel supply agreement mula sa government-accredited oil companies, at iba pang permit at clearance para sa legal na pagbebenta ng fuel.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 33 at Presidential Decree No. 1865.

May ilang local government units (LGUs) sa Tarlac na nagdeklara ng suspension ng klase bilang bahagi ng pagdiriwang ng W...
04/10/2026

May ilang local government units (LGUs) sa Tarlac na nagdeklara ng suspension ng klase bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Teachers’ Day.

Para sa Oktubre 5, 2026, kabilang sa mga LGU na nag-anunsyo ng suspension ang: • Concepcion, Mayantoc, Moncada, Paniqui, Pura, Ramos, San Clemente, Santa Ignacia, at Victoria, Tarlac.

Samantala, nagdeklara naman ng Walang Pasok noong Oktubre 2, 2026 ang: Anao, Camiling, San Jose at San Manuel.

Hindi automatic na nationwide ang class suspension tuwing October 5. Ang National Teachers’ Day ay ipinagdiriwang taun-taon sa ilalim ng Republic Act No. 10743, ngunit maaaring magpatupad ang mga LGU ng localized suspension sa pamamagitan ng kaukulang official issuance.

Paalala: Maaaring magkakaiba ang saklaw at petsa ng suspension, kaya mainam na tingnan ang opisyal na abiso ng inyong LGU o paaralan.

Happy World Teachers’ Day sa ating mga g**o!

Tatlong indibidwal ang nasugatan sa isang insidente ng pamamaril sa Bypass Road, Tarlac City noong gabi ng Sabado, Oktub...
04/10/2026

Tatlong indibidwal ang nasugatan sa isang insidente ng pamamaril sa Bypass Road, Tarlac City noong gabi ng Sabado, Oktubre 3, 2026, ayon sa Tarlac City Police.

Batay sa paunang impormasyon ng pulisya, nagsimula umano ang insidente matapos magkaroon ng komprontasyon ang suspek at mga kasama ng mga biktima. Pinaputukan umano ng suspek ang mga ito gamit ang baril, na ikinasugat ng tatlong indibidwal.

Nahaharap ang suspect na agad namang naaresto sa isang bilang ng homicide at dalawang bilang ng frustrated homicide.

Narekober ng mga awtoridad ang isang .45-caliber handgun at mga bala na sinasabing ginamit sa insidente. Nasa kustodiya ng pulisya ang armas bilang ebidensya.

Iginiit ni Tarlac City Police Chief PLTCOL Glen F. Santiago ang kahalagahan ng masusing imbestigasyon, wastong pangangalaga sa ebidensya at koordinasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong pangyayari.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Kalunus-lunos pa rin ang sitwasyon ng ilang residente at estudyante sa gabi, matapos mapilitang gumamit ng balsa at infl...
03/10/2026

Kalunus-lunos pa rin ang sitwasyon ng ilang residente at estudyante sa gabi, matapos mapilitang gumamit ng balsa at inflatable bed na hinihila ng mga kabataan para makatawid sa malakas na agos ng Tarlac River.

Napilitan umano silang humanap ng alternatibong tawiran matapos masira ang Agana at Aquino bridges noong Agosto dahil sa malalakas na agos dulot ng matinding pag-ulan at Habagat.

Samantala, patuloy na hinihintay ang paglalatag ng pontoon bridge ng MMDA. Ayon sa MMDA, hinihintay pa umano ang go signal ng Tarlac City Mayor bago ito tuluyang ilagay.

Habang hindi pa nagagamit ang pontoon bridge, patuloy ang hirap at panganib na kinakaharap ng mga commuter na kailangang tumawid araw-araw.

Hanggang kailan pa kailangang maghintay ang mga tao?

Kabilang ang Tarlac State University (Tarlac College of Tech.) sa mga top-performing schools sa September 2026 Civil Eng...
03/10/2026

Kabilang ang Tarlac State University (Tarlac College of Tech.) sa mga top-performing schools sa September 2026 Civil Engineer Licensure Examination (CELE) matapos makapagtala ng 81.69% passing rate.

Aabot sa 58 bagong civil engineers mula TSU ang pumasa sa pagsusulit, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Sa buong bansa, 6,337 sa 17,062 examinees ang nakapasa, katumbas ng 37.14% national passing rate.

Address

Tarlac
2300

Opening Hours

Monday 8am - 5am
Tuesday 8am - 5am
Wednesday 8am - 5am
Thursday 8am - 5am
Friday 8am - 5am

Telephone

+63459824051

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tarlac Today posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Tarlac Today:

Shortcuts

Share