Tarlac Tourism

Tarlac Tourism The Official page of the Tarlac Provincial Tourism Office

29/05/2026

Tatlong araw ng musika, pagkatuto, at pagbibigay-buhay sa bawat tinig! 🎶

Muli nating saksihan ang husay, dedikasyon, at passion ng bawat Tarlaqueño mula day 1 hanggang day 3 ng VIVA VOCE Voice Workshop🤩

Hanggang sa muli nating pagkikita sa mga susunod pang workshops at pagtatanghal! 🩵




Enduro Attack 11 – Leg 3 ng Santa Cruz Gravity Enduro Series 2026 Recap! 🤩Hanggang sa susunod na bakbakan sa trails ng T...
29/05/2026

Enduro Attack 11 – Leg 3 ng Santa Cruz Gravity Enduro Series 2026 Recap! 🤩

Hanggang sa susunod na bakbakan sa trails ng Tarlac! 🩵

𝘈𝘸𝘢𝘳𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘗𝘩𝘰𝘵𝘰 𝘤𝘰𝘶𝘳𝘵𝘦𝘴𝘺 𝘰𝘧 𝘔𝘪𝘬𝘦 𝘐𝘣𝘢𝘳𝘳𝘢 𝘧𝘰𝘳 𝘛𝘔𝘊




Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-153 Araw ng Lalawigan ng Tarlac Province, isinagawa ang Laro ng Lahi at Feeding Prog...
29/05/2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-153 Araw ng Lalawigan ng Tarlac Province, isinagawa ang Laro ng Lahi at Feeding Program sa Maria Cristina Park ngayong araw (May 29).

Kaakibat ng layuning mapanatili ang kulturang Pilipino, naging tampok sa aktibidad ang mga tradisyunal na laro na nagbigay saya sa mga bata.

Bukod sa masayang palaro at feeding program, namahagi rin ng libreng tsinelas para sa mga kabataan.

Taong pusong pagsasalamat sa mga batang masiglang nakiisa at sa mga magulang na nagbigay ng suporta at panahon upang maging matagumpay ang programang ito. 🩵




Pinangunahan ngayong araw, Mayo 29, ang isinagawang Medical, Dental, Eye Surgical Mission at Libreng Tuli sa Bulwagang K...
29/05/2026

Pinangunahan ngayong araw, Mayo 29, ang isinagawang Medical, Dental, Eye Surgical Mission at Libreng Tuli sa Bulwagang Kanlahi, Diwa ng Tarlac bilang bahagi selebrayon sa pagdiriwang ng ika-153 anibersaryo ng Lalawigan ng Tarlac.

patuloy na adhikain ng Pamahalaang Panlalawigan na makapaghatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga Tarlaqueño.

Sa programang ito pinapahalagahan ang malasakit, pagkakaisa, at paglilingkod sa mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng serbisyong medikal at dental, eye surgical mission, at circumcision para sa lahat.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga doktor, dentista, nurses, volunteers, partner agencies, at iba pang nakiisa at tumulong upang maging matagumpay ang programang ito.

Muli, maraming salamat mga Tarlaqueños! 🩵




RunTarlac Part 2! 🤩 Maraming salamat sa lahat ng naki-Run, See you sa next Run, Tarlaqueñong palaban! 🩵
29/05/2026

RunTarlac Part 2! 🤩

Maraming salamat sa lahat ng naki-Run, See you sa next Run, Tarlaqueñong palaban! 🩵




Matagumpay nating natapos ang tatlong araw ng VIVA VOCE Voice Workshop dito sa Amphitheater ng Tarlac State University, ...
29/05/2026

Matagumpay nating natapos ang tatlong araw ng VIVA VOCE Voice Workshop dito sa Amphitheater ng Tarlac State University, Lucinda Campus.

Mula sa unang araw hanggang sa huling himig, tunay na naging makabuluhan at puno ng inspirasyon ang bawat sesyon dahil sa inyong sigla, talento, at pakikiisa. Maraming salamat sa lahat ng mga estudyante, coaches at organizers na naging bahagi ng workshop na ito. ✨

Kita tayong muli sa susunod na workshop, patuloy nating ipagdiwang ang tinig at talento ng bawat Tarlaqueño! 🩵



Sa pagdiriwang ng ika-153 anibersaryo ng Lalawigan ng Tarlac, kasabay ng paggunita sa National Flag Day, sa pamamagitan ...
28/05/2026

Sa pagdiriwang ng ika-153 anibersaryo ng Lalawigan ng Tarlac, kasabay ng paggunita sa National Flag Day, sa pamamagitan ng isang flag-raising ceremony at banal na misa ngayong araw (May 28).

Bilang bahagi ng programa, nagbahagi rin si Prof. Lino Dizon ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mayamang kasaysayan at pagkakakilanlan ng Lalawigan ng Tarlac.

Sa loob ng 153 taon, nananatiling buhay ang tunay na pagmamahal sa ating probinsya at sama-samang hangarin para sa mas maunlad na kinabukasan ng lalawigan.

Maligayang ika-153 na Anibersaryo, Lalawigan ng Tarlac! 🩵




Mula first step hanggang finish line, naging punong-puno ng energy at saya ang RunTarlac ngayong Ika-28 ng Mayo bilang b...
28/05/2026

Mula first step hanggang finish line, naging punong-puno ng energy at saya ang RunTarlac ngayong Ika-28 ng Mayo bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-153 Araw ng Lalawigan ng Tarlac.

Maraming salamat sa lahat ng naki-run, at sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na event na ito.🤩

Hanggang sa muli, Tarlaqueños. Tuloy lang ang takbo, saya, at healthy lifestyle! 🩵




Serbisyong Legal para sa MamamayanBilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-153 anibersaryo ng Lalawigan ng Tarlac, hatid n...
28/05/2026

Serbisyong Legal para sa Mamamayan

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-153 anibersaryo ng Lalawigan ng Tarlac, hatid ng Provincial Government of Tarlac ang libreng serbisyong legal para sa mga Tarlaqueño.

✔️ Libreng Legal na Payo at Konsultasyon
✔️ Paghahanda ng mga Simpleng Affidavits
✔️ Libreng Pagpapanotaryo ng mga Simpleng Affidavits

Inaanyayahan ang lahat na magtungo sa Bulwagan ng mga Gobernador, Tarlac Capitol mula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon upang mapakinabangan ang mga libreng serbisyong ito. 🩵




Matagumpay na naisagawa ang Dog Fun Show bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-153 na Araw ng Lalawigan ng Tarlac Province...
28/05/2026

Matagumpay na naisagawa ang Dog Fun Show bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-153 na Araw ng Lalawigan ng Tarlac Province, noong May 27, sa Maria Cristina Park.

Maraming salamat sa lahat ng fur parents, participants, at pet lovers na nakiisa at nagdala ng good vibes, kwela moments, at walang humpay na saya sa ating programa. Dahil sa inyo, naging tunay na “paw-mazing” ang selebrasyong ito! 🐾

Hanggang sa susunod na Dog Fun Show, patuloy nating ipagdiwang ang pagmamahal sa ating mga alagang hayop. 🩵




Address

Capitol Hills, Romulo Boulevard San Vicente
Tarlac
2300

Opening Hours

Monday 8am - 7pm
Tuesday 8am - 7pm
Wednesday 8am - 7pm
Thursday 8am - 7pm

Telephone

+639998893869

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tarlac Tourism posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Tarlac Tourism:

Share