06/10/2026
๐ฆ๐๐๐๐๐ข๐๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | DAY 1
Matagumpay na ginanap sa Casa Comunidad de Tayabas ang unang araw ng SkilLokal Seminar ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), katuwang ang Tayabas City Tourism Office at Quezon Provincial Tourism Office.
Layunin ng seminar na gabayan at palakasin ang kaalaman ng mga ๐ญ๐ฐ๐ค๐ข๐ญ ๐ณ๐ฆ๐ด๐ฆ๐ข๐ณ๐ค๐ฉ๐ฆ๐ณ๐ด, ๐ญ๐ฐ๐ค๐ข๐ญ ๐ต๐ฐ๐ถ๐ณ๐ช๐ด๐ฎ ๐ฐ๐ง๐ง๐ช๐ค๐ฆ๐ณ๐ด, ๐ข๐ต ๐ต๐ฐ๐ถ๐ณ๐ช๐ด๐ฎ ๐ด๐ต๐ข๐ง๐ง sa pagsasaliksik at pagsulat ng lokal na kasaysayan.
Sa unang araw ng seminar, nagbigay ng welcome remarks si Maโam Wenda Saberola-De Torres, Tayabas City Tourism Officer, bilang kinatawan ni Mayor Anthony A. Lim, habang nagpaabot naman ng mensahe si Sir Walter Ladera, bilang kinatawan ni Quezon Provincial Tourism Officer Nesler Almagro.
Sinimulan ang programa sa Overview of SkilLokal na tinalakay ni Deputy Executive Director Alvin R. Alcid ng NHCP.
Sinundan ito ng mga talakayan ukol sa:
โข Basic Paleography โ Dr. Francis M. Navarro, Ateneo de Manila University; Commissioner, NHCP
โข Overview of Local Historical Committees Network โ Gerwill I. Cruz, HSDO II, NHCP
โข Introduction to the National Memory Project โ Alvin D. Lorena, Artist Illustrator III, NHCP
Pinangunahan bilang moderator ang mga talakayan ni Josef Alec D. Geradila, HSDO II, NHCP.
Isang makabuluhang unang araw tungo sa mas malalim na pagsasaliksik, pagdodokumento, at pagpapahalaga sa lokal na kasaysayan at pamanang kultura.