18/02/2026
Taos-pusong pasasalamat at pagbati sa mga masisipag at mahuhusay na mga studyante ng Canique Senior High School sa pamumuno ni Mam Bing Lotivo at sa kanilang internship program adviser na si sir Tommy Berme, sa matagumpay na pagtatapos ng kanilang On-the-Job Training sa Municipal Tourism Development and Management Office mula Pebrero 4 hanggang Pebrero 17, 2026.
Sa loob ng dalawang linggo, ipinakita ninyo ang dedikasyon, propesyonalismo, at tunay na malasakit sa trabaho. Ang inyong kasipagan, pagiging maagap, at positibong pananaw ay naging malaking tulong sa aming tanggapan. Hindi lamang ninyo ginampanan ang inyong mga tungkulin nang maayos, kundi nag-iwan din kayo ng magandang impresyon sa bawat isa.
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang karanasang ito sa inyong patuloy na paglalakbay tungo sa inyong mga pangarap. Dalhin ninyo ang mga aral, kasanayan, at pagpapahalagang inyong natutunan saan man kayo dalhin ng inyong landas.
Muli, maraming salamat at congratulations sa inyong lahat! 👏✨
Patuloy kayong magningning at maging pagmamalaki ng inyong paaralan at komunidad!