
01/05/2025
Si Norberto Borja Gonzales ay ipinanganak noong Abril 17, 1947, sa Balanga, Bataan. Isang eksperto sa pambansang seguridad at batikang lider-sosyal demokrasya, siya ang nagtatag ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP) noong 1971, kasama ang yumaong si Fr. Romeo Intengan, SJ, upang magbigay ng alternatibong pananaw sa politika ng bansa.
Hindi siya bahagi ng administrasyong Ferdinand Marcos Sr., bagkus ay isa siya sa mga lider ng oposisyon sa ilalim ng LABAN ni Ninoy Aquino noong halalan ng 1978, kung saan siya ay dinakip at ikinulong.
Sa ilalim ng administrasyong Gloria Macapagal Arroyo, nagsilbi siya bilang Presidential Adviser for Special Concerns, National Security Adviser (2005–2007), Secretary of National Defense (2009–2010), at Presidential Chief of Staff.
Kilala siya sa kanyang papel sa mga usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at mga grupong tulad ng Moro National Liberation Front (MNLF), Moro Islamic Liberation Front (M**F), at National Democratic Front (NDF). Nagsilbi rin siya bilang bahagi ng peace panel sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Corazon Aquino.
Ang kanyang mga plataporma ay nakatuon sa pagsugpo sa katiwalian, pagpapalakas ng mga institusyon ng pamahalaan, at pagsusulong ng reporma sa agrikultura para sa seguridad sa pagkain. Isa rin sa kanyang pangunahing adbokasiya ang pagpapalakas ng pambansang depensa bilang tugon sa mga banta sa seguridad ng bansa.
Mas kilalanin pa ang kanyang plataporma sa Power To the Polls:
Abril 29, 2025
1:00 PM - 6:00 PM
UST Blessed Pier Giorgio Frassati Auditorium
Likha ni: Aeron Keith Q. Panganiban
Pamagat ni: Annie Nicholle C. Agon