06/05/2026
Letโs conserve this endemic species! Ito ang Kalap (๐๐ข๐ถ๐ณ๐ข๐ถ๐ช๐ข ๐ค๐ช๐ฏ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ฐ๐ฎ๐ฆ๐ข), isang endemic na puno sa Pilipinas, ibig sabihin, dito lamang ito natural na tumutubo at matatagpuan.
Ang species epithet nitong โ๐ค๐ช๐ฏ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ฐ๐ฎ๐ฆ๐ขโ ay mula sa salitang Latin na cinnamomeus, na nangangahulugang โcinnamon-coloredโ o โreddish-brown like cinnamon.โ
Kabilang ang Kalap sa kiwifruit family (Actinidiaceae), kaya maituturing itong kamag-anak ng kilala nating kiwi fruit.
Kapansin-pansin ang magaganda nitong bulaklak, at ang hinog na bunga nito ay mahalagang pagkain ng mga ibon at iba pang hayop sa kagubatan. Dahil dito, malaki ang papel ng Kalap sa pagpapanatili ng balanse ng ating forest ecosystem.
Sa kasamaang-palad, ang Kalap ay itinuturing nang Endangered species ayon sa IUCN Red List (version 3.1). Ibig sabihin, mataas ang panganib na tuluyang mawala o maubos ang species na ito sa wild habitat kung hindi ito mapangangalagaan at mapoprotektahan.
Kaya mahalagang mas kilalanin at pangalagaan ang mga katutubong puno tulad ng Kalap dahil bahagi sila ng ating likas na yaman at biodiversity.