CSJDM Mt. Balagbag Yapak Tour Guides

  • Home
  • CSJDM Mt. Balagbag Yapak Tour Guides
Directions Contact the business

CSJDM Mt. Balagbag Yapak Tour Guides Created to help the Community of Sitio Karahume Dumagat Tour Guides for Mt. Balagbag (Dumagat Trail), Kaytitinga Falls, Otso-Otso Falls and Burong Falls.

𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐋𝐀𝐌𝐈𝐍, 𝐌𝐓. 𝐁𝐀𝐋𝐀𝐆𝐁𝐀𝐆 𝐃𝐔𝐌𝐀𝐆𝐀𝐓 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐋! ⛰🌾✨

Ang Dumagat Trail ay naisagawa noong taong 2020 bilang proyekto ng Local Government Unit ng San Jose del Monte para sa Dumagat Community, sa tulong ng National Commission on Indigenous People (NCIP), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at ng Indigenous People Mandatory Representative (IPMR) Benjamin San Jose. Ang proyektong ito ay naglalayong hindi lang upang maipakita ang ganda ng Mt. Balagbag, kundi ay pangalagaan din ang kultura ng mga Dumagat at ang pagpapanatili sa kalinisan ng kalikasan. Ang Dumagat Trail ay binabaybay ang daan mula sa entry point na matatagpuan sa Purok 6 Sitio Licao Licao ng San Jose del Monte patungo sa tuktok ng Mt. Balagbag.

🍃🌿 𝙋𝙖𝙖𝙣𝙤 𝙣𝙜𝙖 𝙗𝙖 𝙥𝙪𝙢𝙪𝙣𝙩𝙖 𝙨𝙖 𝙎𝙅𝘿𝙈 𝙚𝙣𝙩𝙧𝙮 𝙥𝙤𝙞𝙣𝙩? Kung ikaw ay isang commuter, maaaring magpunta sa Licao-Licao jeepney terminal na matatagpuan sa Brgy. Tungkong Mangga. Ang mga jeep papuntang Licao-Licao ay nagsisimulang bumiyahe ng 6:00 AM kung kaya’t ang mga hikers na nagnanais umakyat ng Mt. Balagbag ay pinapayuhang magpunta ng jeepney terminal sa nasabing oras. Ang biyahe mula Brgy. Tungkong Mangga patungong Licao-Licao ay umaabot ng 30 – 45 minutes. Pagbaba ng Licao-Licao ay agad nang makikita ang Tourist Assistance Desk, palatandaan na ikaw ay na sa SJDM entry point na. Ang Tourist Assistance Desk ay manghihingi lamang ng inyong basic information para sa kanilang records at pag-assign ng YAPAK Tour Guides bago simulan ang trail. Kung nais mong simulan ang pag-akyat sa Dumagat Trail ng mas maaga, pinahihintulutan ang pagdadala ng sariling sasakyan o maaari rin sumakay sa tricycle terminal sa Igay, Brgy Sto Cristo.

🍃🌿 𝙆𝙞𝙡𝙖𝙡𝙖𝙣𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙔𝘼𝙋𝘼𝙆 𝙏𝙤𝙪𝙧 𝙂𝙪𝙞𝙙𝙚𝙨
Ang YAPAK Tour Guides o ang Yabag sa Pag-Arya ng Komunidad Tour Guides ay binubuo ng Dumagat Indigenous People ng Sitio Karahume. Ito ay itinatag noong taong 2021 sa pangunguna ng Local Government Unit ng San Jose del Monte sa pamamagitan ng City Tourism Office. Ang YAPAK Tour Guides ay nakibahagi sa seminar na isinagawa ni G. Froilan Salaysay, isang DOT-Accredited Tour Guide, na “10-Day Rising City Tour Guiding Seminar” noong March 1 to 10, 2021. Ang nasabing trail ay nakapaloob sa tinaguriang ancestral domain ng Dumagat Community na itinalaga ng Special Ecotourism Development Zone (SEDZ) base sa Comprehensive Development Plan 2016 – 2025. Kung kaya’t ang mga Dumagat na naninirahan sa lugar ay inatasan na maging official tour guides ng Mt. Balagbag Dumagat Trail. Bukod sa pagtu-tour guide, ang YAPAK din ang nangangasiwa sa kalinisan ng kapaligiran sa kanilang komunidad. Ang pagtu-tour guide ay nagsisilbing hanap-buhay na sumusuporta sa kanilang araw-araw na pangangailangan. Ito ang nagsisilbing tulong hindi lamang sa kani-kanilang pamilya kundi sa buong Dumagat Community. Halina’t bisitahin ang Mt. Balagbag upang matuklasan at mabighani sa ganda ng tuktok ng bundok. Subukan ang exciting at challenging na Dumagat Trail ng San Jose del Monte. Tara na sa San Jose!

𝙈𝙖𝙧𝙖𝙝𝙖𝙣𝙜 𝙞-𝙘𝙝𝙚𝙘𝙠 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙗𝙖 𝙥𝙖 𝙣𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙤𝙨𝙩𝙨 𝙥𝙖𝙩𝙪𝙣𝙜𝙠𝙤𝙡 𝙙𝙞𝙩𝙤:
Mt. Balagbag Dumagat Trail
(1) https://www.facebook.com/reel/442929281877876
(2) https://www.facebook.com/reel/3978347172486804
(3) https://www.facebook.com/100064414522980/posts/775804081243402/?rdid=4I8s2ugpEDfNIlcC #
YAPAK Tour Guides
(1) https://www.facebook.com/reel/1347231333307721
(2) https://www.facebook.com/reel/2342136329474008

Kwentong San Joseño: Mt. Balagbag
https://www.facebook.com/100064414522980/posts/4884191108369251/?rdid=UkO85T61VQXXTBeG
DENR Central Luzon
https://www.facebook.com/100064806275840/posts/405304581639748/?rdid=ngFZZ9QXh5Ph7jVR #

Mt. Balagbag Guidelines
(1) https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=586623240546051&id=100075951413460&mibextid=wwXIfr&rdid=BcXCXpC0gyyF7uUJ #
Mt. Balagbag Dumagat Trail Environmental Conservation
(1) https://www.facebook.com/reel/1280592129677215
(2) https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=527531073121935&id=100075951413460&mibextid=wwXIfr&rdid=pxbmC7EH7ja1nCCC #
(3) https://www.facebook.com/reel/528428586328683

𝟭𝟬 𝗱𝗮𝘆𝘀 𝘁𝗼 𝗴𝗼 before we light up another year of meaningful celebration! ✨Are you ready for a brighter Tanglawan Festiva...
26/08/2026

𝟭𝟬 𝗱𝗮𝘆𝘀 𝘁𝗼 𝗴𝗼 before we light up another year of meaningful celebration! ✨

Are you ready for a brighter Tanglawan Festival?

Come and be part of the country’s light and unity. 🧡🩷


21/08/2026
21/08/2026

Sa mga mahilig mag nature trip,,🌳🌳🌳, ito npo ang iniintay ninyo,, ang muling pagbubukas ng aming mga ipinagmamalaking falls,tara at mag enjoy kasama ang inyong family and friends,, mag message lang po kyo sa aming official fb page CSJDM Mt. Balagbag Yapak Tour Guides 😊

Noong July 31, 2026, muling nagsagawa ang YAPAK Dumagat Tour Guides ng regular na Cleanup Drive sa Burong Falls at Apari...
11/08/2026

Noong July 31, 2026, muling nagsagawa ang YAPAK Dumagat Tour Guides ng regular na Cleanup Drive sa Burong Falls at Apari na bahagi ng kanilang patuloy na pangangalaga sa kalikasan at responsableng turismo.

Ngayong panahon ng bagyo, ang simpleng gawaing ito ay naging mahalagang bahagi rin ng paghahanda upang mabawasan ang maaaring maging epekto ng malakas na ulan at hangin.

Sa YAPAK, ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi minsanan, ito ay tuloy-tuloy na pagkilos.


Pagpupugay sa ating mga YAPAK Dumagat Tour Guides!Ngayong National Indigenous Peoples Day at International Day of the Wo...
09/08/2026

Pagpupugay sa ating mga YAPAK Dumagat Tour Guides!

Ngayong National Indigenous Peoples Day at International Day of the World's Indigenous Peoples, ang YAPAK Dumagat Tour Guides ay nakikiisa sa pagbibigay-pugay sa ating mga kapatid na Dumagat na mga tagapag-ingat ng ating kultura, kasaysayan, at kalikasan.

Alinsunod sa Republic Act No. 10689, patuloy nating kilalanin, igalang, at ipagmalaki ang kanilang mayamang pamana at mahalagang ambag sa ating lipunan.




Maligayang Kaarawan, Mr. Angelo Paulo Orante Chico, Pangulo ng Central Luzon Tour Guides Association!Nawa'y patuloy kayo...
05/08/2026

Maligayang Kaarawan, Mr. Angelo Paulo Orante Chico, Pangulo ng Central Luzon Tour Guides Association!

Nawa'y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, tagumpay, at inspirasyon sa inyong pamumuno at walang sawang pagsuporta sa industriya ng turismo.

Mula sa inyong mga kaibigan sa CSJDM YAPAK Tour Guides, maligayang kaarawan at mabuhay po kayo!


Mula sa puso para sa komunidad!Naging matagumpay ang Gift Giving Program ng Our Lady of Fatima University Quezon City pa...
24/07/2026

Mula sa puso para sa komunidad!

Naging matagumpay ang Gift Giving Program ng Our Lady of Fatima University Quezon City para sa ating mga kapatid na Dumagat, sa pangunguna ng City Tourism Office na pinamumunuan ni Mr. Roberto P. Ramirez Jr., katuwang ang YAPAK Tour Guide sa pangunguna ni President Lourdes Magno.

Tampok sa aktibidad sa Tourist Assistance Desk ang feeding program para sa mga kabataan, pamamahagi ng school supplies at bags sa mga mag-aaral, at pamimigay ng groceries para sa mga magulang.

Taos-pusong pasasalamat, OLFU-QC, sa inyong biyaya at pagpapangiti sa ating komunidad!

📍Tourist Assistance Desk, Brgy. San Isidro, San Jose del Monte, Bulacan



Happy Birthday, Mayor Ate Rida!Your unwavering dedication, compassionate leadership, and genuine commitment to serving o...
27/06/2026

Happy Birthday, Mayor Ate Rida!

Your unwavering dedication, compassionate leadership, and genuine commitment to serving our people continue to inspire us all. May this special day bring you abundant joy, good health, and countless blessings. Wishing you continued strength and success as you lead with excellence and heart.


Taos-pusong pasasalamat sa mga kalahok ng 13th National Tour Guides Convention sa kanilang pagbisita dito sa YAPAK Dumag...
16/06/2026

Taos-pusong pasasalamat sa mga kalahok ng 13th National Tour Guides Convention sa kanilang pagbisita dito sa YAPAK Dumagat Community ng Brgy. San Isidro, City of San Jose del Monte.

Nawa’y inyong nagustuhan ang aming munting handog, kabilang ang mga pagkaing tradisyunal na niluto sa kawayan, bilang bahagi ng aming kultura at pamumuhay. Maraming salamat din sa inyong mga donasyon at suporta na malaking tulong sa aming komunidad.

Isang karangalan para sa amin na maibahagi ang kagandahan ng kalikasan at mayamang kultura ng mga Dumagat.


Ilang araw na lamang at masaya na naming masasalubong ang mga delegado ng 13th National Tour Guides Convention dito sa O...
12/06/2026

Ilang araw na lamang at masaya na naming masasalubong ang mga delegado ng 13th National Tour Guides Convention dito sa Otso-Otso Falls at sa komunidad ng mga Dumagat.

Excited kaming maipakita ang aming kultura, tradisyon, at ang mga natatagong ganda ng Lungsod ng San Jose del Monte.

Hanggang sa inyong pagdating, mabuhay at kita-kits!


MGA PAALALA PARA SA LASA CULINARY TOURS
June 15, 2026 (Monday)

1. Ang bawat delegado ay mayroon nang assigned “Lasa” itinerary. Makikita ang inyong Lasa Code sa likod ng inyong Convention ID.

2. Convention Shirt ang isusuot sa Lasa Tours. Baunin na lamang ang inyong Association Shirt at Extra Clothes para makapagpalit ng damit.

3. Magsuot ng kumportableng panyapak, sandals, o trekking shoes.

4. Humanda para sa isang river trekking, humanda na mabasa o maligo sa batis at talon.

5. Walang palikuran o palitan ng damit sa Otso-Otso Falls kung saan gaganapin ang Team Building Activity at Community Encounter sa mga Katutubong Dumagat.

6. Mayroong isang resort na nakalaan matapos ang team building upang paliguan at pagpalitan ng mga damit para sa hapunan sa New Government Center ng Lungsod ng San Jose Del Monte.

Mga iba dapat dalhin:
1. Sun Covers (Hat, Sun Glasses, Sun Screens, Umbrella)
2. Water Tumbler
3. Camera Phone & Selfie Stick
4. Towels, Toiletries and Extra Clothes
5. Personal Medicines
6. Donation Money for Dumagats
7. Extra Money for Pasalubongs

P.S. Huwag kalimutang busugin ang sarili at magbaon ng mga pagkain na pwedeng ibahagi sa inyong kapwa tour guide! 🤤😂



Disenyo ng Pabalat: Borlas de Mayumo

Address

Licao Licao

3023

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CSJDM Mt. Balagbag Yapak Tour Guides posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to CSJDM Mt. Balagbag Yapak Tour Guides:

Shortcuts

  • Want your business to be the top-listed travel agency?

Share