CORA Pasyalera

  • Home
  • CORA Pasyalera
Directions

CORA Pasyalera WELCOMING TRAVELLERS TO HAVE A WONDERFUL AND EXCITING EXPERIENCE FFHAAN--Faith, Food, History, Adventure, Arts and Nature
"PASYAL SA RIZAL..

Where nature is at its best...where you can fly with the birds and swim in the sky'.

Semana Santa Visita Iglesia 2026 God's Golden Sunset😇
01/04/2026

Semana Santa Visita Iglesia 2026
God's Golden Sunset😇

14/04/2025
10/04/2025
07/04/2025

| Ang “Galilea” ay nagagayakan ng mga dahon ng kamuning at mga bulaklak at sa pinaka-itaas nito’y naroon ang isang malaking hugis-Puso ng saging na may maganda at makulay na dekorasyon.

Sa loob nito naroon ang batang babaing anghel na aawit ng ‘Regina Coeli” o Reyna ng Langit.

Mabubuksan ang hugis Puso ng saging sa pagdagit at pag-aagawan ng apat na malalaking ibon. Sasabog ang mga confetti.

Kasunod na ang pag-awit ng batang anghel na sinasabayan ng paghuhulog ng confetti habang ibinababa ang Puso at aalisin ang itim na lambong ng Mahal na Birhen.

Ito ay bahagi ng mayamang Tradisyon at Kulturang Angono at patuloy na ginagawa tuwing Holy week o Semana Santa.

Ang Selebrasyon ng "PASKO NG PAGKABUHAY AT ANG “SALUBONG“ SA ANGONO" ni CLEMEN M. BAUTISTA.

Kung may Kilala kayong naging Anghel, p**i direktang mensahe nio po ang ating Page o kaya ay p**i comment po sa baba para sila ay ating maisama at maitampok.

Ilagay ang buong pangalan, address at Taon kung kailan siya naging Anghel.







✍️🎨↪️ ada
📷 Ivan Intalan

Class 64...68 JSES and SMHS.    ....visita iglesia2025......masayang alaala ng kahapon .....anoano nga ba ang tawag sa a...
28/03/2025

Class 64...68 JSES and SMHS. ....visita iglesia2025......masayang alaala ng kahapon .....anoano nga ba ang tawag sa amin ng aming mga g**o sa recitation noon balikan natin kung marami pa nito ngayon...cabasbas,lalongbilang,pedragoza,Garcia,Zapanta,pedraja,sumulong,Mendoza,Soriano,Fausto....meron pa gatlabayan ,ADIA,DeJesus,Avila,marinas,lawis,serrato,santos,Tapales....marami pang dito na isinilang at piniling tumuklas ng karunungan......habang kami ay magkakasama......maraming aral ng buhay ang iyong maririnig at mga masasayangkaranasan at ang patuloy na pagharap sa Hamon ng buhay dahil naispa rin ng bawat Isa na lumawig ang buhay para sakanyang pamilya....makapaglingkod sa simbahan....at maging makabuluhang bahagi ng ating bayan.

"Sa Ugoy ng Duyan ni Inang Tinay"   Mababakas sa iyong mga mata ang pagod dala ng katandaan ngunit may saya. Mahina na a...
07/03/2025

"Sa Ugoy ng Duyan ni Inang Tinay"

Mababakas sa iyong mga mata ang pagod dala ng katandaan ngunit may saya. Mahina na ang iyong tinig ngunit nababasa ko ang iyong mensahe sa bukas ng iyong bibig at kumpas ng mga kamay. May maganda kang mukha at mabuting puso.
Ang iyong mga anak na babae ang Ka Oning, Julita, Pileng, Sabel at Corazon ay pinalaki mong mabubuting mamamayan ng Antipolo. Mga deboto ng Mahal na Birhen ng kapayapaan at mabuting paglalakbay na naging gabay ng mga mamamayang taga Antipolo noong panahon ng digmaan.
Inang Tinay, buhah lagi sa aming alaala ang 'di matapos tapos mong kwento noong panahong hapon at amerikano. Almusal, tanghalian at hapunan kwento mo ang aming ulam.
Naging gabay sa paglaki namin ang iyong kwento ng paglikas, ang pagtigil ng Mahal na Birhen sa ating kubo sa Colaique ang kinalakhan namin ng Ka Abe na paglalakad mula bayan hanggang ibabaw para mangasoy. Ang napakarami pang unggoy na nagpapalipat lipat sa mga puno ng siniguelas at kasoy sa ibabaw habang tinatanaw namin ang lawa ng Laguna. Ang pagtatanim natin ng sitaw sa Colaique at ang pagbubuhat ng ani nating gulay mula sa kailaliman ng Colaique paakyat sa ibabaw. 'di malilimot ang iyong sakripisyo para sa iyong pamilya lalo na noong panahon na iniihaw natin sa malaling batya ang mga buto ng kasoy, pupukpukin para makuha ang laman at maibenta sa harap ng Simbahan kung buwan ng Mayo.
May galak sa aming puno na balikan ang magagandang alaala na kasama ka. Di man tayo biniyayaan ng maraming materyal na kayamanan dito sa lupa, ang mga aral at karanasang iniwan ninyo ay magiging gabay namin sa paglilingkod sa aming pamilya, simbahan, bayan at kapwa.
Inang Tinay, ang alaala ng kahapon ay pinahahalgahan namin ngayon, bukas..... Ang alaala mo'y magiging bahagi pa rin ng kwento ng paglikas at pagbangon ng mga sumusunod pang henerasyon.
Mahal ka namin.... Inang Tinay. ❤️🌹😘

BANYUHAY(Bagong Anyo ng Buhay)Obra Maestra ni TARA MAE M. COLDURA, ikatlong puwesto noong 2022 sa YES to Green Painting ...
11/02/2025

BANYUHAY
(Bagong Anyo ng Buhay)

Obra Maestra ni TARA MAE M. COLDURA, ikatlong puwesto noong 2022 sa YES to Green Painting Competition. Nagkaroon ako ng interes na isulat ito dahilan sa pangkat ng mga mag aaral na magtatanghal sa isang special event sa Provincial Capitol.

Lahat sila'y sa larawan nakatingin, may kumukuha ng larawan, may nakita akong itinuturo ang mukha ni Rizal. yung dalawa nagkasabay pang nagtanong - "Ma'am pareho po ba itong bandilang hawak ng babae sa painting?" . Pilit at pinagtutulungang itaas ang bandila. Sabi ko-"Oo noong panahon ng pandemya naganap ang ibat ibang larawan ng pagtutulungan ng ating mga kababayan....maaaring kayo at ang inyong mga kapamilya ang nasa larawang 'yan. Sila ang mga bagong bayani ng ating bayan.

Dahilan sa ang mga bayani'y isinilang sa bawat panahon ng kasaysayan. May isang batang lalaki pang tumula...napag aralan po namin kaugnay niyan sa Filipino.

Bagong bayani'y titindig
Magtatanggol manlalaban
"di tutugot hanggang sawi
At lugami itong bayan
Pagkasawi alang-alang sa laya'y di pagkamatay
Ang magigiting na bayani'y mulit- muli'y nabubuhay

Kayat mapalad tayong taga Rizal, tulad ng nakapaloob sa ating Himno ng Lalawigan sa pagkakaroon ng mga pinunong may dangal, ipinakita ni Tara Mae M. Coldura sa kanyang obra ang pintig ng puso ng isang Rizalenyo.

"Bundok ng Puray sa Bayan ng Montalban"Sa kabundukang ito naninirahan ang ating mga kapatid na mga Dumagat. Ang makadaup...
10/01/2025

"Bundok ng Puray sa Bayan ng Montalban"

Sa kabundukang ito naninirahan ang ating mga kapatid na mga Dumagat. Ang makadaupang palad sila ay isang magandang karanasan. Mga taong batid ang halaga ng kanilang kasaysayan at katulong tayong magiging kabahagi ng pangangalaga ng inang kalikasan na kanilang tahanan. Ang maraming may sapat ng gulang na gabay ng mga kabataan, ang mga bagong sibol na kabataan ay punong puno ng pag asa at kasiyahan na maging kabahagi ng mga gawaing pampamayanan.

Napakasayang marinig ang kanilang kwento ng buhay ang sama samang pagngiti at pagtanggap nila sa mensahe ng pagpapahalagana ipinagkaloob natin sa kanila. May kababaang loob at pasasalamat na tayo at sila ay iisa ng ugat ng lahing pinagmulan.

Dito ito naganap... ang pagdiriwang ng buhay at positibong pangarap sa hinaharap..

ATOR

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CORA Pasyalera posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your business to be the top-listed travel agency?

Share