26/07/2026
THE VERY REASON BAKIT SINIMULAN KO ANG JSON'S TRAVEL AND TOURS...to be with my family.😍
Sir Rinell after 10 months ko sa barko, sa wakas nakauwi rin ako ng Pilipinas.
Ako nga pala si Rey isang Waiter, sobrang excited ko dahil matagal kong hindi nakita ang asawa at mga anak ko.
May dala akong halos ₱600,000 na ipon. Sabi ko sa sarili ko, “Ngayong bakasyon, babawi talaga ako sa pamilya ko.”
Pagdating ko pa lang, masaya na lahat. Nagpakain ako sa buong pamilya. Nag-outing kami, nag-shopping, at binilhan ko ng mga bagong gamit ang mga anak ko.
Okay lang sa akin noong una. Iniisip ko, pinaghirapan ko naman ang perang ito para sa kanila.
Pero habang tumatagal ang bakasyon ko, parang naging ATM na lang ang tingin nila sa akin.
“Pa, bagong cellphone naman.”
“Pa, kailangan ko ng laptop.”
“Hon, baka pwede nating palitan yung ref.”
“May birthday si ganito, ikaw na muna bahala.”
May nanghihiram ding kamag-anak. May nagpapalibre. May gustong mag-outing. Kapag tumatanggi ako, parang ako pa ang madamot.
Hanggang isang araw, chineck ko ang account ko.
Sa halos ₱600K na dala ko, wala pang ₱80K ang natira. 😭
Doon ako kinabahan.
Wala pa akong dalawang buwan sa Pilipinas pero halos ubos na ang perang 10 buwan kong pinagpaguran sa barko.
Kaya kinausap ko ang asawa ko.
Sabi ko, “Kailangan nating magtipid. Hindi habang buhay nasa barko ako. Gusto ko rin sana may maipon tayo para sa future.”
Pero ang sagot niya sa akin:
“Bakit ka pa nagbabarko kung hindi mo rin naman ibibigay sa pamilya mo ang kinikita mo?”
Masakit.
Hindi dahil ayaw kong gumastos para sa kanila.
Kundi dahil parang nakalimutan nilang bawat perang inuuwi ko ay kapalit ng mga birthday na hindi ko nadaluhan, Pasko na wala ako, puyat, pagod, lungkot at ilang buwang malayo sa pamilya.
Kinagabihan, hindi ako makatulog.
Tiningnan ko ang mga anak kong natutulog at naisip ko…
Hanggang kailan ko kayang gawin ito?
Kinabukasan, tinawagan ko ang agency ko.
May available daw na vessel at kailangan nila ng crew ASAP.
Dapat 3 months pa ang bakasyon ko.
Pero sinabi ko:
“Sir, kung pwede… ako na lang. Ready na akong sumampa.”
Pagkababa ko ng telepono, napaiyak ako.
Kakauwi ko lang…
pero gusto ko nang bumalik sa barko.
Hindi dahil ayaw kong makasama ang pamilya ko.
Kundi dahil natatakot akong dumating ang araw na matanda na ako, wala nang kontrata, wala nang barko…
pero wala rin akong naipon para sa sarili ko.
Ngayon, isang tanong lang ang paulit-ulit kong iniisip:
👉 Bilang seafarer, mali ba na unahin ko naman ang future ko at mag-set ng limit sa perang ibinibigay ko sa pamilya?
Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, SASAMPA KA BA AGAD o TATAPUSIN MO ANG BAKASYON MO? ⚓💔