11/08/2026
๐ช๐๐๐ฉ๐๐ก๐ ๐ง๐ฅ๐๐๐ก๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐ง๐จ๐ง๐จ๐๐ข ๐ฆ๐ ๐๐ฅ๐๐ฌ. ๐ก๐๐๐๐จ๐๐ก, ๐ฆ๐๐ก ๐๐ข๐ฆ๐, ๐ข๐๐๐๐๐๐ก๐ง๐๐ ๐ ๐๐ก๐๐ข๐ฅ๐ข
Bilang bahagi ng patuloy na suporta sa mga kapatid nating katutubong isinagawa ang Weaving Training para sa mga Kababaihang Hanunuo at Buhid sa Brgy. Naibuan, San Jose, Occidental Mindoro. Ang programa ay isinagawa sa ilalim ng Gender and Development (GAD) bilang suporta sa pagpapanatili, pagpapahalaga, at pagpapaunlad ng tradisyunal na kaalaman at kasanayan sa paghahabi, gayundin sa pagsusulong ng maayos na pagpapasa nito sa mga susunod na henerasyon.
Sa unang araw ng pagsasanay, ipinahayag ni Governor Eduardo B. Gadiano ang kanyang buong suporta sa programa at hinikayat ang mga kalahok na patuloy na pangalagaan at mapanatili ang tradisyonal na sining ng paghahabi bilang mahalagang bahagi ng kultura at pagkakakilanlan ng mga katutubong Mangyan. Nakiisa rin sa aktibidad si ICC/AO Focal Person Mr. Voltaire Valdez, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kapakanan at pagpapanatili ng kultura ng mga katutubong pamayanan.
Ang programa ay pinangunahan ng Provincial Tourism, Culture and the Arts Office, sa pamumuno ni Ms. Lucille Bico, kasama ang kanyang mga kawani. Nakatanggap din ito ng suporta mula sa Municipal Government of San Jose, kung saan kinatawan ni Mayor Rey C. Ladaga ang Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng Municipal Tourism Office, sa pangunguna ni Department Head Ms. Ann Roxanne J. De Vera-Rodrigo, kasama rin ang mga kawani nito.
Pinangunahan naman ang pagsasanay ni Ms. Josefa L. Garlitos, isang kinikilalang dalubhasa at tagapagsanay sa larangan ng paghahabi, na nagbahagi ng kanyang kaalaman, kasanayan, at karanasan upang higit na mapalawak ang kakayahan ng mga kalahok sa tradisyunal na paghahabi.
Sa pamamagitan ng makabuluhang hakbang na ito, inaasahang higit na mapapalakas ang pagpapanatili ng tradisyonal na paghahabi, mapapahalagahan ang natatanging kultura at kaalaman ng mga Hanunuo Mangyan, at mabibigyan ng mas malawak na pagkilala ang paghahabi bilang bahagi ng mayamang pamanang kultural ng Occidental Mindoro.