30/10/2026
“𝘿𝙞𝙩𝙤 𝙨𝙖 𝙌𝙪𝙚𝙯𝙤𝙣 𝘾𝙞𝙩𝙮, 𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙪𝙣𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙖𝙘𝙝𝙞𝙚𝙫𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩 𝙞𝙣 𝙚𝙭𝙘𝙚𝙡𝙡𝙚𝙣𝙘𝙚 𝙨𝙖 𝙖𝙣𝙪𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣, 𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙪𝙣𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙖𝙬𝙖𝙧𝙙 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙞𝙡𝙖𝙡𝙖, 𝙖𝙮 𝙡𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙨𝙪𝙨𝙪𝙠𝙖𝙩 𝙨𝙖 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙖𝙣𝙤 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙜𝙞𝙣𝙖𝙜𝙖𝙢𝙞𝙩 𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙠𝙖𝙠𝙖𝙮𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙪𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙥𝙖𝙗𝙪𝙩𝙞 𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙣𝙜 𝙞𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙤.” – 𝗠𝗿. 𝗥𝗶𝗰𝗮𝗿𝗱𝗼 “𝗥𝗶𝗰𝗸𝘆” 𝗔𝗿𝗿𝗲𝗼𝗹𝗮 𝗟𝗲𝗲, National Artist for Film and Broadcast Arts (2022) and 24th Manuel L. Quezon Gawad Parangal: Creative Arts and Cultural Heritage Pillar, Individual Category Awardee
Hindi lamang ito simpleng pagtatapos ng isang seremonya – ito rin ang pagdiriwang ng walang-maliw na dedikasyon, pusong naglilingkod, at kahusayang nag-iiwan ng markang hindi kailanman mabubura.
Sa pamamagitan ng kanilang gawa, kasanayan, at malasakit, buong pagmamalaki nating masasabing nagkaroon tayo ng tapang na pandayin ang sarili nating kwento. Sila ang nagpapatunay na ang kadakilaan ay hindi nagtatapos sa natanggap na parangal, kundi nagsisimula sa mas malalim na paglilingkod sa ating kapwa.
Panoorin ang opisyal na AVP at muling balikan ang mga tagpo ng inspirasyon, tagumpay, at kadakilaan sa idinaos na Ika-24 Manuel L. Quezon Gawad Parangal.
Muli, isang mainit na pagbati sa ating mga pinarangalan ngayong taon! Patuloy ninyong tanglawan ang ating lungsod at maging ehemplo ng tunay na kahusayan.
Mabuhay ang ating mga Gawad Parangal Awardees! Mabuhay ang ating minamahal na Lungsod Quezon! 🏆💙