04/11/2026
Isang malaking pasasalamat sa ating solid community ng mga 𝗥𝗘𝗧𝗨𝗥𝗡𝗘𝗘𝗦—ang mga 𝗔𝗗𝗩𝗘𝗡𝗧𝗨𝗥𝗘𝗥𝗦 natin na paulit-ulit na bumabalik gamit ang kanilang 𝗮𝗰𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗲𝗯𝗮𝗰𝗸 𝗥𝗲𝘄𝗮𝗿𝗱𝘀! Kayo ang patunay na ang bawat biyahe ay nag-iiwan ng magandang marka.
Para sa kaalaman ng lahat ng ating mga returnees, ang ating rewards program ay 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁𝗮𝗻: 𝗟𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗞𝘄𝗮𝗹𝗶𝗽𝗶𝗸𝗮𝗱𝗼 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗨𝗡𝗟𝗜𝗠𝗜𝗧𝗘𝗗 𝟱𝟬% 𝗢𝗳𝗳 𝘀𝗮 𝗦𝗔𝗚𝗔𝗗𝗔 𝗮𝘆 𝗮𝘄𝘁𝗼𝗺𝗮𝘁𝗶𝗸𝗼 𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝗘𝗫𝗖𝗟𝗨𝗦𝗜𝗩𝗘 𝗗𝗜𝗦𝗖𝗢𝗨𝗡𝗧𝗦 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮 𝗽𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗽𝗲𝗻 𝗗𝗘𝗦𝗧𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦 (at vice versa)! Ginawa natin ito upang mas maging exciting at abot-kaya ang inyong mga susunod na pagbabalik.
Dahil dumarami ang mga bagong joiners na sumasama sa ating pamilya, malaki ang tiwala at inaasahan namin sa ating mga returnees. Kayo ang nakakaalam ng kultura, ng saya, at ng daloy ng ating mga tours. Kaya naman, 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 po sa lahat na ang mga nakakahawak ng rewards na ito ay ang siyang 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗜𝗦𝗜𝗟𝗕𝗜𝗡𝗚 𝗚𝗮𝗯𝗮𝘆 𝗮𝘁 𝗠𝗮𝗴𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗘𝗵𝗲𝗺𝗽𝗹𝗼 para sa mga baguhan nating kasama.
Ang bawat reward na ating tinatamasa ay may kasamang 𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗦𝗜𝗕𝗜𝗟𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶𝗵𝗶𝗻 ang 𝗠𝗮𝗴𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗔𝘁𝘁𝗶𝘁𝘂𝗱𝗲 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝘀𝗮𝗺𝗮. Ang ating tours ay binuo para maging isang "𝘀𝗮𝗳𝗲 𝘀𝗽𝗮𝗰𝗲" kung saan ang lahat ay komportable, masaya, at magaan ang loob sa isa't isa. Iwasan po natin ang mga ikikilos na maaaring makasira sa karanasan
ng iba, lalo na ng mga bago nating kasama.
Nais nating panatilihing mataas ang kalidad ng ating samahan, kaya magtulungan po tayo na palaging piliin ang 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗧𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗩𝗶𝗯𝗲𝘀, 𝗗𝗶𝘀𝗶𝗽𝗹𝗶𝗻𝗮, at 𝗥𝗲𝘀𝗽𝗲𝘁𝗼 sa 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗺𝗶𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗼 𝗻𝗴 𝗴𝗿𝘂𝗽𝗼. 𝗔𝗻𝗴 𝗶𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗲𝗵𝗲𝗺𝗽𝗹𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗺𝗮𝗴𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗸𝗹𝗶 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗲𝗿𝗸𝘀 𝗻𝗮 𝗶𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽 𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗿𝗮𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗽𝗼 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗹 𝗼 𝗯𝗮𝘄𝗶𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗻𝗮𝗸𝘂𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗺𝗲𝗯𝗮𝗰𝗸 𝗥𝗲𝘄𝗮𝗿𝗱𝘀 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗱𝗶𝘀𝗰𝗼𝘂𝗻𝘁𝘀 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗱𝗲𝘀𝘁𝗶𝗻𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻.
Salamat sa inyong katapatan at sa pagiging ehemplo ng isang tunay na responsableng adventurer. See you sa ating susunod na akyatan at biyahe! 🚌🎒
𝓖𝓱𝓲𝓮𝓪𝓷𝓷𝓪𝓱 𝓒𝓸 ✍️