24/02/2026
Minsan kapag may nag-ooffer sa’yo ng insurance, ang unang pumapasok sa isip mo…
“Pagkakakitaan lang ako nyan.”
“Gastos lang yan.”
“Di ko kailangan.”
“I don’t believe in that.”
And I understand. 💛
Bilang financial advisor, sanay na kami sa rejection. Tuloy ang trabaho namin kahit may tumanggi. Wala kaming mawawala.
Pero ikaw… at ang family mo… meron.
Hindi kami nangungulit para kumita lang.
Nangungulit kami kasi may mga bagay na nakita na namin na ayaw na naming maranasan mo.
I’ve experienced educating people about the value of Life Insurance. Ipinaliwanag ko, inalagaan ko, pinakinggan ko sila… pero binaliwala lang.
Then one day, mababalitaan ko na lang—
nagkasakit.
na-ospital.
maagang nawala.
At ang mas masakit? 💔
Yung pamilya nila, nag-aabang ng tulong.
Nanghihiram.
Nagbebenta ng ari-arian.
Nagmamakaawa para lang mabayaran ang hospital bills.
Hindi lang sakit ang kalaban.
Kundi ang presyo ng pagiging may sakit.
Masakit para sa akin bilang advisor.
Pero mas masakit para sa pamilyang naiwan.
Kaya kung may advisor na nagre-reach out sa’yo, sana wag mo agad isipin na binebentahan ka lang.
Baka may nagmamalasakit lang.
Baka may gustong siguraduhin na kahit anong mangyari, hindi mawawasak ang future ng pamilya mo.
Sa panahon ngayon, hindi na sapat ang “bahala na.”
Dapat advance mag-isip.
Hindi natin hawak ang bukas.
Pero pwede nating ihanda ang pamilya natin para dito.
Kung may taong umaalalay sa’yo para pag-usapan ang protection, hindi ka niya kinukulit para kumita.
Kinukulit ka niya dahil may puso siya para sa’yo.
At ako, bilang advisor…
Mas gugustuhin kong ma-reject ngayon
kaysa makita ang pamilya mong umiiyak at walang mahugot na panggastos bukas.
Message me kung gusto mo lang magtanong.
No pressure.
Usap lang. 💛