09/18/2026
Nakakalungkot isipin na iiwan na namin ang aming naging tahanan sa loob ng nakaraang humigit dalawampung taon. Ang lahat ay magiging ala-ala na lang.Halos lahat ng restaurant at fastfood sa paligid, kinainan ko na siguro. Dahil madalas na Offline, nasubukan ko siguro na magwithdraw sa halos lahat ng ATM ng mga bangko. Nakapagpaphotocopy ako ng requirements at nagpakuha ng ID picture na pang Passport o Visa sa gilid-gilid. Nakapagpark ako sa iba't ibang parking space. Nakapagsimba sa Manila Cathedral tuwing matatapos ang dispatch at pagkuha ng ticket.Naranasan kong maghintay ng taxi sa tapat ng bumbero.,kumuha ng Pag-ibig ID sa Palacio del Gobernador. at kumain ng bananacue sa tapat ng entrance habang nagpapaxerox or nagpapaencode ng POEA or OWWA registration. Kapag kasama ang mga anak namin,habang sila naghihintay. mula sa paglalaro sa playroom ng Family center, natuto sila na mamasyal sa Fort Santiago at kalaunan ay tumambay sa Starbucks.
Paalam, .Salamat sa mga ala-ala...