Bacuit El Nido Travel and Tours Association, Inc

Directions

Bacuit El Nido Travel and Tours Association, Inc Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bacuit El Nido Travel and Tours Association, Inc, Tourist Information Center, El Nido, El Nido.

11/10/2026

OPISYAL NA PAHAYAG NG SUPORTA

Bacuit El Nido Travel and Tours Operators Association (BELTTOA)

Kaugnay ng Bagong Sistema ng Pagbabayad ng Eco-Tourism Development Fee (ETDF) sa El Nido, Palawan

Bilang mga miyembro ng Bacuit El Nido Travel and Tours Operators Association (BELTTOA), ipinapahayag namin ang aming suporta sa bagong programa ng Pamahalaang Bayan ng El Nido na naglalayong gawing mas accessible, maayos, at episyente ang pagbabayad ng Eco-Tourism Development Fee (ETDF), kabilang na ang bagong ETDF Collection Building sa Barangay Bagong Bayan.

Nauunawaan namin ang mga agam-agam at puna ng publiko, lalo na ang posibleng dagdag na oras sa biyahe ng mga turistang nagmumula sa Puerto Princesa at ang epekto nito sa ating mga lokal na residente. Gayunpaman, nais naming ibahagi ang ilang mahahalagang punto mula sa pananaw naming mga tour operator na direktang nakikibahagi sa araw-araw na operasyon ng turismo sa El Nido.

1. Mas maayos na pagbabayad ng ETDF, mas kaunting abala bago ang mga tour.

Bagama’t maaaring magdagdag ng ilang minuto sa biyahe ang paghinto sa Bagong Bayan, malaking tulong naman ito upang mabawasan ang pagkaantala bago magsimula ang mga island hopping tour.

Sa loob ng maraming taon, kami sa sektor ng tour operations ang siyang umaako sa responsibilidad ng pagbili ng ETDF para sa aming mga bisita. Madalas, sa mismong araw pa ng kanilang tour kailangang asikasuhin ang pagbabayad, kasabay ng iba pang paghahanda para sa kanilang mga aktibidad.

Matagal na naming hinahangad ang isang sistema kung saan mas madali at direktang makakabili ng ETDF ang mga turista. Sa bagong programang ito, mas maagang makukumpleto ang kanilang pagbabayad at mas mababawasan ang abala bago ang kanilang nakatakdang tour.

2. Direktang pagbabayad sa pamahalaan at mas maayos na paghawak ng resibo.

Sa bagong sistema, direktang makakapagbayad ang mga turista sa pamahalaan at makukuha nila ang kanilang opisyal na resibo bilang patunay ng pagbabayad.

Sa kasalukuyang kalakaran, madalas pang kailangang kontakin ng mga bisita ang kanilang tour operator upang humingi ng kopya ng resibo kapag kinakailangan nila ito. Sa direktang pagbabayad, mas nagiging malinaw ang transaksyon at mas madaling masusubaybayan ang kanilang bayad.

3. Karagdagang payment facilities at pangangailangang maiwasan ang labis na abala sa mga bumibiyahe.

Nais naming linawin na bahagi lamang ng mas malawak na programa ang ETDF Collection Building sa Bagong Bayan. Batay sa mga impormasyong ibinahagi sa amin, may mga plano ring maglagay ng karagdagang payment kiosks sa iba pang entry points ng El Nido, maging sa loob ng Town Proper, sa oras na maisakatuparan ang mga kinakailangang kasunduan sa mga kumpanya at ahensyang kasangkot.

Gayunpaman, mahalagang kasabay ng pagpapatupad ng bagong sistema ang mga konkretong hakbang upang maiwasan ang mahabang pila, traffic congestion, at hindi kinakailangang pagkaantala sa biyahe.

Partikular naming binibigyang-halaga ang kapakanan ng ating mga kapwa residente ng El Nido na regular na bumibiyahe para sa trabaho, pag-aaral, negosyo, pagpapagamot, at iba pang pangangailangan. Hindi dapat maging dagdag na pasanin sa mga lokal na residente ang isang sistemang pangunahing inilaan para sa mga bumibisitang turista.

Hinihikayat namin ang LGU na magpatupad ng maayos na traffic management, malinaw na sistema para sa mga sasakyang kailangang huminto at maaaring dumiretso, at mas mabilis na proseso ng registration at payment. Umaasa rin kami na mapapabilis ang pagbubukas ng iba pang payment centers, lalo na’t nalalapit na ang peak tourism season.

4. Ang ETDF ay mahalagang karagdagang pondo para sa turismo at pangangalaga ng kalikasan.

Ang ETDF ay karagdagang pondong ginagamit para sa pamamahala ng turismo, pangangalaga ng ating kapaligiran, at pagpapaunlad ng mga pasilidad at serbisyong kinakailangan ng isang lumalagong destinasyon tulad ng El Nido.

Hindi direktang ibinibilang ang mga turistang bumibisita sa El Nido sa populasyong ginagamit bilang batayan ng ilang bahagi ng pambansang alokasyon ng pondo para sa ating munisipyo. Gayunpaman, ang kanilang pagdating ay nangangailangan ng karagdagang serbisyo, imprastraktura, at environmental management.

Nauunawaan din namin ang mga tanong tungkol sa kung saan napupunta ang ETDF. Bilang isang Civil Society Organization (CSO) na may kinatawan sa ETDF Management Board, ang BELTTOA ay may kaalaman at pakikilahok sa proseso ng pamamahala at paglalaan ng pondong ito.

Walang masama sa pagtatanong. Sa katunayan, mahalaga ang pagtatanong upang mas maunawaan ng publiko kung paano pinamamahalaan ang pondo. Hinihikayat namin ang bukas na talakayan at patuloy na pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa mga programang pinopondohan ng ETDF.

5. Tungkol sa mga palikuran at pasilidad sa mga tourist destinations.

Isa rin sa mga madalas na itinatanong ay kung bakit kulang pa rin ang mga palikuran sa ating mga island hopping destinations.

Batay sa pinakahuling impormasyong ibinahagi sa amin ng DENR–Protected Area Office, sa humigit-kumulang anim o pitong iminungkahing toilet facilities, dalawa lamang ang nabigyan ng pag-apruba: isa sa Helicopter Island at isa sa Seven Commandos Beach.

Para naman sa iba pang lokasyon, kabilang ang Shimizu Island, ipinahinto ng DENR ang karagdagang development dahil ang mga ito ay nasa loob ng 40-meter easement at strict protection zone.

Mahalagang maunawaan na hindi lahat ng kakulangan sa pasilidad ay simpleng usapin lamang ng pagkakaroon ng pondo. May mga batas, regulasyon, at pahintulot mula sa mga kinauukulang ahensya na kailangang sundin.

Kamakailan, dumalo rin ang aming asosasyon sa isang pagpupulong na ipinatawag ng LGU sa pangunguna ni SB Dang Trinidad, Chairperson ng Committee on Tourism. Napag-usapan dito ang paghiling ng panibagong dayalogo sa DENR Regional Office upang muling mapag-aralan ang desisyon tungkol sa pagtatayo at pamamahala ng mga kinakailangang toilet facilities.

6. Karagdagang oportunidad para sa ekonomiya ng Barangay Bagong Bayan.

Nakikita rin namin ang potensyal ng bagong ETDF Collection Building na makapagbigay ng karagdagang economic activity sa Barangay Bagong Bayan.

Sa pagdaan at paghinto ng mga turista, maaaring magkaroon ng mas maraming oportunidad para sa mga lokal na negosyo at residente ng barangay. Ang gusali ay mayroon ding mga pangunahing tourist facilities, kabilang ang mga palikuran, na maaaring magamit ng mga bumibiyahe.

⸻

Ang pagbabago ay may kaakibat na adjustment, ngunit hindi ibig sabihin nito ay wala itong magandang maidudulot.

Alam naming magkakaroon ng kalituhan, mga tanong, at ilang abala sa mga unang araw ng implementasyon. Hindi namin ito isinasantabi. Sa halip, naniniwala kami na mahalagang maging bukas ang LGU sa mga kinakailangang adjustment, lalo na sa pagpapabilis ng proseso ng koleksyon, pag-iwas sa traffic congestion, at pagtiyak na hindi naaabala nang hindi kinakailangan ang ating mga lokal na residente.

Ang aming suporta sa programa ay kaakibat ng aming panawagan para sa maayos, mabilis, at makataong implementasyon nito. Hindi sapat na magkaroon lamang ng bagong pasilidad; kailangan ding tiyaking ang sistemang ipatutupad ay tunay na nagbibigay ng kaginhawaan sa mga turista, tour operators, transport providers, at higit sa lahat, sa mga mamamayan ng El Nido.

Kami sa BELTTOA ay kaisa ng Pamahalaang Bayan ng El Nido sa paniniwalang mas malaki ang pangmatagalang benepisyo ng isang mas accessible, organisado, at direktang sistema ng pagbabayad ng ETDF kaysa sa mga pansamantalang abalang kaakibat ng pagbabago. Ngunit kasabay nito, naniniwala kaming ang mga abalang ito ay dapat aktibong tugunan at hindi basta tanggapin bilang normal na bahagi ng implementasyon.

Ang magandang programa ay mas nagiging makabuluhan kapag sinasabayan ito ng mahusay na pagpapatupad at malasakit sa mga taong maaapektuhan nito.

Patuloy tayong magtanong, makilahok, at magbigay ng mga makabuluhang suhestiyon. Dahil ang turismo ng El Nido ay hindi lamang responsibilidad ng pamahalaan o ng mga negosyante, kundi isang industriya at likas na yaman na sama-sama nating pinangangalagaan.

BACUIT EL NIDO TRAVEL AND TOURS OPERATORS ASSOCIATION (BELTTOA)

Para sa mas maayos, responsable, at sustainable na turismo sa El Nido.

📢 PUBLIC ADVISORY | TOURISTS VISITING EL NIDOAttention, Dear Visitors! 🏝️All tourists traveling from Puerto Princesa Cit...
11/10/2026

📢 PUBLIC ADVISORY | TOURISTS VISITING EL NIDO

Attention, Dear Visitors! 🏝️

All tourists traveling from Puerto Princesa City or the southern areas of El Nido are advised to stop at the Eco-Tourism Development Fee (ETDF) Building located in Brgy. Bagong Bayan, El Nido to settle the required Eco-Tourism Development Fee (ETDF).

✅ Already paid your ETDF?
Please have your official receipt or proof of payment ready for verification.

Your cooperation helps support the sustainable management, conservation, and responsible development of El Nido’s tourism destinations.

Thank you for your cooperation and continued support for sustainable tourism in El Nido. 🌿💙

Mayad nga Adlaw! Mabuhay!
Municipal Tourism Office – El Nido

04/09/2026

Dreaming of turquoise waters and towering limestone cliffs? 🏝️ Make your dream a reality! Visit us at the Philippine Travel Mart happening this September 4–6, 2026. Learn all about our exclusive El Nido island tours and special travel packages. Stop by our booth today—your next great adventure awaits! ✈️🌴

10/08/2026

EL NIDO ISLAND HOPPING ADVISORY | August 11, 2026

Per PAGASA Weather Forecast 04:00 AM, Aug 11, 2026 and PCG Sea Travel Advisory #07:

❌ Tour B & Tour C: TEMPORARILY SUSPENDED
✅ Tour A & Tour D: ALLOWED for vessels 15GT and above only in designated areas of El Nido and western Taytay.

We know this may affect your island plans, but safety comes first. El Nido’s lagoons and limestone cliffs will be waiting for you when the seas are calm again 💙

For questions or rebooking, reach us at 0919 002 1339 or .

READ FULL ADVISORY HERE: https://www.facebook.com/share/p/1GYnzE19LZ/?mibextid=wwXIfr

Thank you for your understanding!

Palawan Provincial Tourism Office

08/08/2026

EL NIDO ISLAND HOPPING ADVISORY | AUGUST 9, 2026 🌊

Dear Guests,

For your safety, all island hopping tours in El Nido are CANCELLED TODAY, August 9, 2026.

In reference to the PAGASA Weather Forecast as of 04:00 AM today, August 9, 2026, Coast Guard Station Northern Palawan is STILL TEMPORARILY SUSPENDING all voyages of vessels and watercraft plying the routes within the Municipality of Taytay and El Nido, Palawan due to the adverse effect of Southwest Monsoon affecting Luzon and Visayas.

We know this may affect your travel plans, but your safety is our top priority. The beautiful lagoons and beaches will be here waiting for you when the seas are calmer 💙

Please coordinate with your tour agency for rescheduling. For updates, you may contact:
📞 0919 002 1339
📧 [email protected]
FB:

READ FULL ADVISORY HERE: https://www.facebook.com/share/p/17sJ3vpssv/?mibextid=wwXIfr

Stay safe and thank you for your understanding!


Palawan Provincial Tourism Office

23/07/2026

This Week's El Nido Challenge! ✨🌊

If you could spend ONE perfect day in El Nido, what would your itinerary look like? 😍

🏝️ Sunrise at the beach?
🚤 Island hopping to hidden lagoons?
🤿 Snorkeling with vibrant marine life?
🌅 Chasing the sunset at the best viewpoint?
🍽️ Ending the day with fresh seafood by the shore?

💬 Tell us your Perfect El Nido Day in the comments using only 5 emojis! 👇

We'll feature our favorite answers in our Stories! 📲✨

Whether you're planning your first visit or reminiscing about your last adventure, El Nido is always waiting to welcome you back. 💙

📍Tag your travel buddies and ask them, "When are we going to El Nido?" 🌴

10/07/2026

EL NIDO ISLAND HOPPING ADVISORY | JULY 11, 2026

⚠️ ALL TOURS STILL CANCELLED ⚠️

Per Coast Guard Station Northern Palawan, all voyages of vessels and watercraft in Taytay & El Nido remain TEMPORARILY SUSPENDED due to Typhoon "INDAY" (BAVI) and the Southwest Monsoon.

Please stay safe and monitor PAGASA/PCG updates.

Read full advisory here: https://www.facebook.com/share/p/187dzAvZ66/?mibextid=wwXIfr

📞 0919 002 1339 |


Palawan Provincial Tourism Office

10/07/2026

EL NIDO EMERGENCY HOTLINES 📞

In light of Typhoon "Inday", we remind all guests currently in El Nido to take extra precautions.

If you need help or assistance, please don’t hesitate to call the hotlines listed or contact your accommodation/tour operator directly.

Stay safe everyone! 💙

08/07/2026

EL NIDO ISLAND HOPPING ADVISORY | JULY 9, 2026

⚠️ ALL TOURS CANCELLED ⚠️

Per PCG Sea Travel Advisory #02, ALL sea voyages in the western seaboard of El Nido & Taytay are SUSPENDED due to Super Typhoon "INDAY" (BAVI).

Please stay safe and coordinate with your tour operator for rescheduling.

Monitor PCG/PAGASA updates.

Read full advisory here: https://www.facebook.com/share/p/1B1mqxatb1/?mibextid=wwXIfr

📞 0919 002 1339 |

16/06/2026

Address

El Nido
El Nido
5313

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bacuit El Nido Travel and Tours Association, Inc posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share