19/09/2026
SAND CASTLE PICTURE: 20 PHP
PARA BA SAYO MAHAL ANG SINGIL NILA PARA MAKAPAG-PA PICTURE KA SA ISANG OBRA NA GAWA SA BUHANGIN?
Para sa iba, Pwedeng Oo.
pero sa ibang banda, HINDI,
dahil
ANG SAND CASTLE AY
HINDI LAMANG BASTA BUHANGIN LANG!
Sa unang tingin, buhangin lang.
Isang maliit na sand castle na ginawa para sa magkapapicture ang turista.
pero ito ang bagay na hindi nakikita ng Marami.
Sila ay mga lokal na lumalaban ng patas sa buhay.
Gamit ang talento, sipag, at determinasyon para kumita nang marangal para sa pamilya.
Sa bawat Sand Castle na binubo nila
ay pinaglalaanan ng tatlo hanggang apat na oras
dahil ang bawat detalye ay mahalaga sa knilang obra.
Walang malaking kapital.
Walang mamahaling equipment.
Buhangin, tubig, creativity, at ilang oras ng pagod ang puhunan nila.
Kaya kapag may pagkakataon,
Suportahan natin ang gawang lokal. 🇵đź‡
Hindi natin kailangang maging mayaman para makatulong. Minsan, simpleng pagbayad sa isang serbisyo, pagtangkilik sa produkto, o pagbibigay ng kaunting suporta ay malaking bagay na para sa isang taong nagsisikap.
Bigyan natin sila ng Opportunidad!!!
Opportunidad na maipakita ang kanilang talento.
Opportunidad na kumita sa marangal na paraan.
Opportunidad na maiuwi ang pinaghirapang kita sa kanilang pamilya.
Dahil kapag tinangkilik natin sa isang lokal na manggagawa, hindi lang produkto ang binibili natin.
Tumutulong tayong panatilihing buhay ang isang kabuhayan, isang talento, at isang pangarap para sa pamilya.
"Behind every sandcastle is a story. And behind every hardworking Filipino is a family worth supporting" - Bikini Bottom PH
Proud to support local. 🇵đź‡