2026/10/19
Bagong Ayuda sa Japan: 3 Lapad in Average Kada Taon para sa 20 Million Workers
Ayon sa news na ito, pinag-aaralan ng Japanese government ang bagong financial assistance program para makatulong sa mga low- at middle-income workers na mabigat ang binabayarang taxes at social insurance premiums.
Sa panukala, humigit-kumulang 20 million na manggagawa ang maaaring makatanggap ng average na ¥30,000 kada taon sa fiscal years 2027 at 2028. Posibleng limitado ito sa mga taong may annual income na nasa 300 lapad range. Gayunman, proposal pa lamang ito at hindi pa pinal na desisyon.
Ang programang tinatawag na 就業者負担軽減支援金(SYUUGYOUSYA FUTAN KEIGEN SHIENKIN) or “Employment Burden Reduction Support Benefit” ay planong magbigay ng cash assistance isang beses kada taon. Sa unang dalawang taon, gagamitin ang pondong tinatayang ¥600 billion bawat taon, na katumbas ng tax revenue mula sa 1% consumption tax rate.
Kasabay nito, pinag-uusapan din ang pagbabawas ng consumption tax sa food and drinks sa 1%. Mula fiscal year 2029, kapag ibinalik sa 8% ang tax rate, plano ring palakihin ang pondo para sa cash assistance.
Ipinakita na ng present administration ang proposal sa ruling at opposition parties upang mapag-usapan ang detalye. Layunin nitong mabawasan ang financial burden ng mga manggagawa, ngunit kailangan pang hintayin ang final na requirements, halaga, at kung sino talaga ang magiging eligible na tumanggap.
ctto: Malago Forum

NOTE: We offer document translation (Tagalog, English, Nihongo), document creation (SPA, Affidavit, etc.), and application form printing. Send us a private message here if you need it.